50 patay sa artillery strike ng Estados Unidos kontra Taliban rebels sa Afghanistan

Afghanistan – Patay sa artillery strike ng Estados Unidos ang nasa 50 senior Taliban commanders sa Helmand Province, Afghanistan.

Ayon kay U.S. Forces in Afghanistan Spokesperson Lieutenant Colonel Martin O’donnel, ang paglunsad ng artillery rocket system ay senyales na hihinto na ang labanan sa lugar at paparalisahin ang Taliban operations.

Mariing itinanggi ng taliban ang balita at sinabing gawa-gawa lamang ng Amerika ito.


Facebook Comments