Umakyat na sa 50 katao ang patay sa pagsabog ng isang oil tanker sa Central Nigeria.
Nilapitan ng mga tao ang natumbang oil tanker para kumuha ng langis pero biglang sumabog sa Ahumbe Village sa Benue State.
Posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi dahil maraming mga malubhang nasugatan ang itinakbo sa pagamutan.
Maging ang mga katabing establishimento ay nasunog dahil sa malakas na pagsabog.
Facebook Comments