50, patay sa pananalasa ng Bagyong Odette sa Bohol

Sumampa sa 50 indibidwal ang napaulat na nasawi sa Bohol matapos ang pananalasa ng Typhoon Odette.

Batay sa ulat ng provincial government, walo sa mga nasawi ay mula sa bayan ng Ubay na pinakasinalanta ng bagyo.

Ang ibang nasawi ay naitala sa mga sumusunod na bayan:


 President Carlos P. Garcia – 5
 Inabanga – 4
 Catigbian – 4
 Valencia – 3
 Tubigon – 3
 Alicia – 3
 Batuan – 2
 Antequera – 2
 Maribojoc – 2
 Calape – 2
 Jagna – 2
 Lila – 1
 Pilar – 1
 Candijay – 1

Sa bayan ng Alicia, isa sa mga nasawi ay kinilalang si Joaquin Butil Felecio, 60-anyos at residente ng Barangay Cabatang.

Samantala, ayon sa provincial government, galing ang kanilang datos sa 21 mula sa 48 local government units na nagsumite ng report.

Ang ulat ng mga nasawi ay kinumpirma rin ng mga LGU at police stations.

Isinailalim na sa state of calamity ang Bohol dahil sa mga pinsalang iniwan ng Bagyong Odette.

Facebook Comments