Binatikos ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang sinabi ng Department of Science and Technology (DOST) na katanggap-tanggap ang 50 percent efficacy rate ng COVID-19 vaccine na ginawa ng Chinese pharmaceutical company na Sinovac Biotech.
Giit ni Zubiri, hindi katanggap-tanggap ang bakunang palpak at walang silbi sa pagbibigay proteksyon laban sa COVID-19 kahit pasok ito sa minimum requirement ng World Health Organiztion (WHO).
Diin ni Zubiri, hindi katanggap-tanggap at magiging pagsasayang lang ng pondo kung bibili ang gobyerno ng COVID-19 vaccine na 50 percent lang ang efficacy rate.
Paliwanag ni Zubiri, mayroon pa ring 50/50 na tsansa na mahawa ng COVID-19 ang matuturukan ng bakuna mula sa Sinovac.
Apela ni Zubiri sa IATF, higit na ikonsidera ang efficacy, safety, presyo at pagiging praktikal ng bakunang bibilhin para sa kaligtasan ng mamamayan sa halip na isaalang alang ang “feelings o damdamin” ng mga kaibigang bansa tulad ng China.