50 pesos cancellation at no-show fee ng Grab, suspendido!

Image via Grab PH

SINUSPENDE ng Land Transportation Regulatory and Franchise Board (LTFRB) ang ipinataw ng Grab na P50 pesos cancellation and no show fee para sa mga pasahero.

Ito ang naging resulta ng kanilang dialogue noong Lunes kasama ang iba’t-ibang Transport Network Vehicle Services (TNVS) group na pinangunahan nina LTFRB Chairman Martin Delgra. Kamakailan, ipinatupad ng Grab ang panukalang pagbabayad ng mga pasahero na additional 50 pesos para sa mga biglang nag-cancel ng kanilang booking trip at hindi pagpunta sa pick-up point matapos ang limang minuto.

Dumalo sa pagpupulong ang mga kinatawan ng Grab, OWTO, Hype, Micab, Golag, iPARA, RYD at OZTECH. Ayon kay Delgra, pinag-aralan nila maigi ang polisya pero kailangan din bigyan ng konsiderasyon ang kaligtasan ng publiko.


Napagkasunduan ng LTFRB at mga TNVS na bumuo ng isang Technical Working Group na mangangasiwa sa bagong fare policy at problema ng kanilang grupo.

Facebook Comments