
Barya lang para kay Kamanggagawa Partylist Representative Eli San Fernando ang 50 pesos na umento sa minimum wage sa National Capital Region (NCR) na inprubahan ng wage board.
Ayon kay San Fernando, malayo ito sa 200 pesos na legislated wage hike na panawagan ng mga manggagawa.
Diin ni San Fernando, nagpapakita ito na hindi responsive o hindi nakakatugon ng tama ang mga regional wage boards sa pangangailangan ng mga manggagawa sa bansa.
Hinamon pa ni San Fernando ang mga nasa regional wage board at maging si Labor Secretary Bienvenido Laguesma na subukang mabuhay at pagkasyahin ang minimum wage kasama ang dagdag na 50 pesos.
Kaugnay nito ay isa sa mga panukalang batas na inihain ni San Fernando ay ang pagbuwag sa regional wage boards at pagkakapareho ng antas ng sahod ng pangkaraniwang manggagawa sa buong bansa.









