Bumaba sa 549 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) mula 570 kaso kamakalawa.
Ito’y matapos makapagtala ang PNP health service ng 50 bagong recoveries kagabi at 28 bagong kaso ng COVID-19.
Sa mga bagong kaso, 5 ang iniulat sa Police Regional Office (PRO) 13; tig-4 sa NCRPO at PRO 3; tig-3 sa PRO 10 at PRO Cordillera; tig-2 sa PRO 2, PRO 7 at PRO 11.
Habang tig-isang kaso naman ang iniulat sa National Administrative Support Units, PRO 1 at PRO 9.
Dahil dito, umabot na sa 7,082 ang bilang ng PNP personnel na nag-positibo sa COVID-19, kung saan 6,511 sa mga ito ang gumaling na.
Nananatili naman sa 22 ang bilang ng mga tauhan ng PNP na namatay dahil sa virus.
Facebook Comments