50 points ni James Harden, nagpanalo sa Rockets kontra Sacramento Kings

Idinala ni Houston Rockets guard James Harden ang kanilang koponan sa panalo kontra Sacramento Kings.

Ito ay makaraang humataw si Harden ng 50 points kontra Sacramento Kings.

Sa simula pa lang ng laban ay nag-init na kaagad ang Rockets dahilan para lumamang agad ang Rockets.


Ayon kay Harden, ang kanyang agresibo at determinasyon ang nagdala sa kanila sa panalo.

Nakapag-ambag din sa Rockets players sina Clint Capela na may 24 points at 22 points naman para kay Chris Paul.

Habang kumargada naman sa Kings sina Bogdan Bogdanovic na may 24 points, 9 rebound at 8 assists habang si Buddy Heild ay 21 points at tig-3 sa rebound at assists.

Sa ngayon, top 3 ang Rockets habang pang-siyam ang Kings sa team standing ng Western Conference.

Facebook Comments