50 registrants, malugod na tinanggap ng Radyo Trabaho booth sa unang araw ng Kabisig Expo and Trade Fair sa Trinoma Mall

Umabot sa 50 katao ang nagparehistro sa Radyo Trabaho booth ng DZXL RMN Manila sa Kabisig Philippine Government Expo and Trade Fair 2019 na ginanap kahapon sa Trinoma Mall.

Dito, isa-isang kinakausap ng RT team ang mga bisita para ipaliwanag ang tulong na maaari nating maibigay partikular na sa mga naghahanap ng trabaho.

Ayon kay Kabisig Peoples’ Movement President Daniel Guillen – binuksan na rin nila ang Expo and Trade Fair sa pribadong ahensiya dahil sa kaunting bilang ng mga nagpatalang tanggapan ng pamahalaan.


Layon kasi ng aktibidad na ipakilala sa mga mamamayan ang papel ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan na hindi alam ng marami nating kababayan.

Magtatagal ang Expo and Trade Fair hanggang Bukas, June 6.

Ang DZXL RMN Manila ay official radio partner ng naturang aktibidad.

Facebook Comments