50% seating capacity sa Pasig River Ferry Service, ipatutupad ngayong Holy Week

Naglabas ng abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpapatupad sila ng 50% seating capacity sa kanilang Pasig River Ferry Service (PRFS) ngayon Holy Week.

Batay sa abiso ng MMDA, ang nasabing kautusan ay alinsunod na rin sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ngayong araw sa Metro Manila at karatig probinsya.

Sinabi rin ng ahensya na tanging mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) ang papayagang sumakay sa PRFS.


Kasabay nito, pansamantalang ititigil naman ang operasyon ng PRFS simula April 1 hanggang April 4.

Magbabalik sa normal ang operasyon nito sa April 5, araw ng Lunes.

Facebook Comments