Sugatan ang humigit kumulang na 50 katao matapos ang karambola ng tatlong bus sa Balintawak Carousel Station kaninang 12:22 ng tanghali.
Ang mga sangkot sa karambola ay Kellen Bus, Admiral Bus at Jell Bus.
Sa report ng Metropolitan Manila Development Authority-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (MMDA-SAICT), nawalan ng preno ang Jell Bus na nagsanhi upang salpukin ang Kellen Bus na sumalpok naman sa Admiral Bus.
Ilan sa mga nasugatan ay dinala sa Quezon City General hospital upang lapatan ng lunas.
Facebook Comments