Ginunita kahapon ang ika 50 taong anibersaryo ng Bangsamoro Freedom Day o
Jabiddah Masacre , March 18 na ginanap sa sitio Kakar Barangay Poblacion 8
Cotabato City .Ito ang petsa kung saan binuo at ipinanganak ang Moro
National Liberation Front(MNLF). Ang okasyon ay dinaluhan ng matataas na
lider ng MNLF sa pangunguna ng dating Chairman nito na ngayon ay pinuno ng
Bangsamoro Peoples National Congress na si Datu Muslimen Sema at House
Deputy Speaker Bai Sandra Sema.
Naging emosyonal si Sema sa pag alaala sa mga taong naging martyr at
nagbuwis ng buhay sa pakikibaka o moro struggle. Maraming hirap na ang
pinagdaanan ng kanilang grupo para maisulong lamang ang kanilang adhikain
na hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin nilang isinusulong kasama ang Moro
Islamic Liberation Front(MILF).
Ang tema ngayong taon ay highlighting the nameless, faceless martyrs of
the moro struggle for self determination.(Amer Sinsuat)
50 taong anibersaryo ng Bangsamoro Freedom Day ginunita kahapon ng MNLF
Facebook Comments