500 ALU-TUCP-affiliated na seafarers members, babakunahan ng COVID-19 vaccine

Abot sa 500 na seafarers na nasa ilalim ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang nakatakdang bakunahan bukas.

Ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Allan Tanjusay, isasagawa ang pagbabakuna bandang alas-4:00 ng hapon bukas sa Taguig City Vaccination Hub sa Bonifacio High Street, BGC.

Ang vaccination ng APSU-TUCP ay bahagi ng layunin ng gobyerno na maalis ang pangamba ng mga marino sa banta ng COVID-19.


Ang mga marino ay nagsisilbing gulugod o backbone ng global shipping industry at napakahalaga ng kanilang papel para muling paandarin ang ekonomiya sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments