500 FAMILY FOOD PACKS, IPINAABOT SA SOLANO, NUEVA VIZCAYA

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagpapaabot ng tulong ng DSWD Field Office 2 katuwang ang lokal na pamahalaan sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya.

Kaugnay nito, nagpadala ng 500 family food packs ang ahensya bilang paghahanda sa banta ng Bagyong Leon sa ilalim ng kanilang augmentation support.

Ang naturang hakbang ay naglalayong makapagbigay ng mabilisang pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang maaapektuhan ng bagyo.


Facebook Comments