500 inmates ng NBP na inilipat sa Davao Penal Farm, malaking tulong sa pagtatanim ng saging sa naturang pasilidad

Malaki umanong tulong para sa banana production ang 500 inmates ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City at Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City ang inilipat sa Davao Prison and Penal Farm (DPPF) sa Davao del Norte.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ang mga PDL kasi ang magtatanim ng mga saging sa malawak na lupain ng Davao Prison and Penal Farm na inuupahan ng isang agricultural company.

Layon din ng ginagawa ng kawanihan na paglilipat sa mga inmates sa colony ay upang tumulong sa food production at food security.


Maliban dito ay may programa rin ang NBP para ma-decongest kanilang pasilidad at pagsapit ng 2028 ay isasara na ng BuCor ang Pambansang Piitan.

Kasama sa mga inilipat sa Davao Prison and Penal Farm ang 114 PDL mula sa maximum security compound, 36 mula sa medium security compound at 300 mula sa Reception and Diagnostic Center ng NBP habang 50 naman mula sa Correctional Institution for Women.

Facebook Comments