Aabot sa 500 bahay ang naabo sa sunog sa Barangay Baesa sa Quezon City.
Ayon kay F/Sr. Supt. Jaime ramirez, QC Fire Marshal, umabot sa task force alpha ang naturang sunog na idineklarang under control dakong 8:25 ng gabi.
Tinatayang aabot sa P2 Milyon ang halaga ng pinsala sa sunog kung saan apektado ang nasa 1,000 Pamilya.
Bukod sa mga bumbero, tumulong na rin sa pag-apula sa apoy ang mga residente na kumukuha na lang ng tubig sa drainage kahit marumi.
Samantala nagkasunog rin sa Barangay Bahay Toro sa nabanggit ding lungsod.
Nakontrol ang sunog dakong 7:30 ng gabi kung saan nasa 50 bahay ang nadamay at nasa 80 pamilya ang naapektuhan
Patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP sa sanhi ng dalawang sunog.
Facebook Comments