$500-M military aid ng US sa Pilipinas, pinuri ng mga lider ng Kamara

Ikinalugod ng mga lider ng House of Representatives ang $500 milyong military financing commitment ng Estados Unidos sa Pilipinas na makatutulong sa pagpapalakas ng kakayanang pangdepensa at alyansa ng dalawang bansa.

Ayon kay Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jay-jay” Suarez, ang pangakong pondo ay magpapalakas sa kakayanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) sa gitna ng tensyon ng West Philippine Sea.

Para kay Assistant Majority Leader at Manila 1st District Ernesto “Ernix” Dionisio Jr. isang positive development na magdo-donate ang America ng ₱29 billion na magagamit para mahusay ang kakayahan ng WPS team natin, ng Coast Guard at ng Armed Forces.


Binigyag diin naman ni Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na mahalaga ang suportang ito sa PCG.

Facebook Comments