Umabot sa 500 na mga mag-aaral sa kolehiyo mula sa Bayan ng Sta. Barbara ang nakatanggap ng cash assistance na nagkakahalaga ng 3,000 pesos bawat isa.
Mula ito sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Layunin ng nasabing aktibidad na magbigay suporta sa edukasyon ng kabataan at maibsan ang pinansyal na suliranin na kinahaharap ng maraming pamilyang Pilipino, lalo na sa kasalukuyang hamon ng panahon.
Ayon sa pamahalaang bayan ng Sta. Barbara, patuloy ang kanilang suporta sa mga kabataan upang matulungan ang mga ito tungo sa mas maliwanag na kinabukasan lalo na sa usaping pang-edukasyon.
Facebook Comments









