500 miyembro ng TODA sa Parañaque City, tatanggap ng ayuda ngayong araw mula sa lokal na pamahalaan

Mga driver ng tricycle at pedicab ang pumila ngayong araw para makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaang lokal ng Parañaque.

Isinasagawa ang pamamahagi ng ayuda sa San Antonio Elementary School kung saan mahigpit na ipinatutupad ang health standard and safety protocols habang umiiral ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Target na mabigyan ng ayudang pinansyal ang nasa higit 500 miyembro ng Tricycle Operator and Drivers Association (TODA) sa Parañaque City.


Naka-schedule ngayong araw ang 564 miyembro ng TODA mula sa barangay BF Homes.

Nasa P1,000 kada indibidwal at hanggang P4,000 kada pamilya ang ipinamamahaging financial assistance.

Facebook Comments