500 na empleyado na taga-Quezon City, tumanggap ng ayudang pinansyal mula sa pamahalaang lokal

Ibinigay mismo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga tseke sa first batch ng mga benepisaryo ng Kalingang QC sa Negosyo Program.

Ito’y ayudang pinansyal para sa mga small enterprises upang maswelduhan at mapanatili ang employment ng QC residents sa gitna ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Naglaaan ang QC Local Government Unit (LGU) ng P500 million para sa partial wage subsidy ng mga local micro and small businesses na mayroong 165,000 to 330,000 na empleyado na QC residents.


Ang QC ang unang LGU sa Metro Manila na nagbigay ng ganitong assistance sa mga small enterprises.

Facebook Comments