500 na TODA drivers, bakunado na sa Pasay City

Bakunado na rin ang aabot sa 500 miyembro ng Tricycle Operator and Drivers Association (TODA) sa Pasay City.

Ito’y pasimula sa gagawing pagbabakuna sa may higit na 5,000 na tsuper ng tricycle sa buong lungsod.

Para mahikayat pa ang mga TODA driver, magpapa-raffle si Mayor Emi Calixto-Rubiano ng P50,000 para sa mga miyembrong nabakunahan.


Ayon kay Ace Sevilla, pinuno ng Tricycle-Pedicab Franchising and Regulatory Office, ang nasabing pa-raffle ay handog ng Global Mobile Services Inc, isang kompanya na tumutulong pampinansiyal sa mga tricycle driver.

Facebook Comments