Umabot sa limang sa limang daan (500) Overseas Filipino Workers na residente ng Calasiao ang nabigyan ng financial assistance mula sa Overseas Workers Welfare Administration Regional Welfare Office 1 (OWWA-RWO1) sa ilalim ng programa nitong Welfare Assistance Program.
May kabuuang halaga na tatlong libong piso (3,000Php) na calamity assistance ang naipamahagi sa bawat OFW na naapektuhan naman ng Severe Tropical Storm Maring na nanalasa noong nakaraang taon.
Ang WAP ay isang financial assistance sa lahat ng active OWWA members na naapektuhan ng mga kalamidad o anumang mga hindi inaasahang mga pagkakataon tulad ng pagtama ng mga bagyo at nakakapagpahirap sa mga ito.
Pinangunahan naman ang payout distribution OWWA Local PESO Office at Calasiao OFW Family katuwang ang lokal na pamahalaan ng Calasiao. | ifmnews
Facebook Comments