500 pasyenteng makikibahagi sa clinical trials ng pagdiskubre ng gamot laban sa COVID-19, dapat na pasado sa qualifications ng DOH

Dapat munang pumasa sa qualifications ang 500 pasyenteng may COVID-19 bago sila payagang lumahok sa clinical trial ng gamot laban sa virus.

Ito ang nilinaw ng Department of Health (DOH) kasabay ng pagbibigay ng go signal sa 20 ospital sa bansa na magsagawa ng clinical trials.

Ayon kay Doh Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang lalahok na pasyente ay dapat na 18-anyos pataas at walang masamang pre-existing condition na maaapektuhan ng iinumin nilang gamot.


Samantala… bukod sa Philippine General Hospital (PGH), nagsasagawa na rin ang ibang ospital ng convalescent plasma therapy kasunod ng magandang resultang ipinapakita nito sa mga pasyente.

Kabilang rito ang St. Luke’s Medical Center at Lung Center of the Philippines.

Sa huling datos ng DOH, umabot na sa 7,579 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, 501 ang nasawi habang 862 na ang gumaling.

Facebook Comments