Nasa 500 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) at iba pang piitan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nakatakdang palayain sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Justice (DOJ) Spokesperson Mico Clavano, ang panibagong batch ng PDLs ay nakatakdang lumaya sa January 23.
Ito na aniya ang pinakamaraming bilang na makakalaya mula nang simulan ang monthly releases ng PDLs sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Dagdag pa ni Clavano, nasa 4,000 na ang napalayang PDL mula nang simulan ang naturang programa.
Umaasa naman ang DOJ na maabot nito ang 5,000 target na mapalayang PDLs pagdating ng June 30, 2023.
Facebook Comments