500 PESOS NA BUDGET SA NOCHE BUENA, HINDI SAPAT AYON SA ILANG PANGASINENSE

Mataas na mga bilihin at pabago-bagong presyo ng mga pangunahing produkto; ‘yan umano ang nararamdaman ngayon ng ilang Pangasinense kaya imposible raw na sasapat ang 500 pesos para makapaghanda ng noche buena.

Idagdag pa umano ang mga naranasang malalakas na bagyo na naging dahilan ng pagbabago sa presyo ng mga produktong isda at gulay, na nagdulot din ng pasakit sa marami sa ating mga kababayan na nawalan ng bahay at inabot ng mataas na tubig-baha.

Matatandaan na naging usap-usapan ang pahayag ni Department of Trade and Industry Secretary Christina Roque na sapat na umano para sa pamilya na may apat na miyembro ang halagang 500 pesos pang-noche buena.

Samantala, naglabas na rin ng guide ang DTI ukol sa presyo ng mga noche buena items na maaaring mabili ng mga konsyumer.

Facebook Comments