500 Piglets, Ipinamahagi sa 10 Bayan ng Cagayan; Environment Swabbing, Tuloy-tuloy

Cauayan City, Isabela- Namahagi ng 500 karagdagang sentinel piglets ang Department of Agriculture Region 2 sa 10 bayan sa lalawigan ng Cagayan.

Batay sa datos ng Provincial Veterinary Office, umabot sa 420 biik at 1,200 sacks of feeds ang ipinamahagi sa 140 recipients ng unang batch na kinabibilangan ng mga bayan ng Alcala, Amulung, Solana, Baggao, Tuao, at Piat

Bukod pa dito, nakatanggap rin ng 80 sentinel piglets at 240 sacks of feeds ang mga benepisyaryo mula sa mga bayan naman ng Lal-lo, Iguig, Enrile at Gonzaga.


Ang mga lugar na nabigyan ng tulong ay wala ng naitalang kaso ng African Swine Fever sa loob ng 180 days kung kaya’t napabilang ang mga ito sa programa.

Samantala, oobserbahan umano ng Provincial Veterinary Office ang ipinamahaging biik at magsasagawa ng blood collection para matiyak na ligtas ang mga ito sa sakit na African Swine Fever.

Pagkaraan naming masuri ang mga biik at masigurong ligtas ito sa banta ng ASF ay magbibigay ng karagdagang alagain na magmumula naman sa commercial farm kung saan dumaan sa tests ay biosecurity.

Sa ngayon ay nagkaroon ng environment swabbing sa iba pang mga bayan sa Cagayan na walang kaso ng ASF para makapagtala ng bagong mabebenepisyuhan sa susunod na pamimigay ng piglets.

Facebook Comments