Manila, Philippines – Aabot sa mahigit limang daang pulis ang ipakakalat ng Manila Police District sa ibat ibang parte ng Maynila.
Layon ng pagde-deploy ng daang-daang pulis ay para matiyak na magiging payapa ang paggunita ng Eidl Fitr o ang Ramadan, ang pagtatapos ng Holy Month ng mga Muslim.
Sa prescon sa Camp Crame sinabi ni MPD spokesperson P.Supt. Edwin Margarejo partikular na ipakakalat ang mga pulis sa may bahagi ng Quirino Grandstand at Quiapo Golden Mosque.
May ipatutupad din aniyang traffic rerouting ang MPD sa bisinidad ng Quirino Grandstand at Quiapo.
Sa ngayon siniguro ni Margarejo, na wala silang namomonitor na banta sa seguridad.
Wala rin aniya silang nakukuhang impormasyon na nasa Quiapo na ang mga miyembro ng Maute Group na ngayon ay naghahasik ng kaguluhan sa Marawi City.