Nakiisa ang nasa 500 riders mula sa iba’t ibang motorcycle clubs at unipormadong serbisyo sa ikinasang “Ride for West Philippine Sea” na inorganisa ng Breakfast Ride Community at Civil Relations Service ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nagsimula sa Camp Aguinado sa Quezon City patungo sa Philippine Fleet Naval Operating Base, Subic Zambales noong Linggo ang naturang Ride for a cause na naghatid ng mga care package tulad ng mga pagkain, personal care products, at letter of encouragement sa mga tropang nagbabantay ng teritoryo ng bansa sa WPS.
Itinaon din ito sa pagdiriwang ng National Heroes Day para ipakita ang suporta sa mga magigiting na sundalo na nagbabantay sa karagatan ng bansa.
Kabilang sa mga opisyal na lumahok sa aktibidad sina: AFP Deputy Chief of Staff, Lt. General Charlton Sean Gaerlan; AFP Civil Relations Commander MGen. Ramon Zagala; NOLCOM Deputy Commander Commodore Karl Decapia; Phil. Fleet Deputy Commander Commo. Juario Marayag; Senator JV Ejercito; Retired Philippine National Police (PNP) Chief PGen Dionard Carlos at iba pa