Bilang pagpatuloy ng National Volunteer Month, ang RMN Foundation Inc. ay magsasagawa ngayong araw ng Tree Planting Project sa Angat Rain Forest Watershed sa Norzagaray, Bulacan.
Ang nasabing proyekto ay naglalayong makapagtanim ng 500 seedlings.
Dadaluhan ito nina Radio Mindanao Network Executive Vice President at COO Mr. Enrico Canoy, Vice President for Operations ng RMN Foundation Inc. Mr. Enrique Canoy, at OIC/CSR Officer Mr. Patrick Aurelio.
Lalahukan ito ng mga mahigit kumulang 50 empleyado mula iba’t ibang istasyon ng DZXL, DWW, iFM, at RMN CMDG.
Katuwang ng inisyatibong ito ang Philippine Red Cross (PRC) at Department of Environment at Natural Resources o DENR.
Facebook Comments