500 vials ng Tocilizumab na gamot kontra COVID-19, dumating na sa Maynila

Dumating na ang halos 500 vials ng Tocilizumab na binili ng Manila City government.

Ang Tocilizumab ay kasama sa mga pinag-aaralan na posibleng gamot sa COVID-19.

Ang nasabing gamot ay gagamitin sa mga pasyente na naka-confine sa mga pampubliko at pribadong ospital sa lungsod, residente man o hindi.


Nabatid na ang mga karagdagang vials ng Tocilizumab ay binili ng lokal na pamahalaan ng Maynila para mapalakas ang kanilang COVID-19 response.

Aabot sa ₱13 milyon ang inilaan ng Manila LGU para sa pagbili nito.

Facebook Comments