Bilang bahagi ng mangrove conservation sa probinsya ng La Union, nakatakdang itanim pa ang nasa limang libong Bakawan s Anga coastal areas ngayong taon.
Naunang itinanim ang 3,800 bakawan sa coastal barangay ng Dulao, Aringay La Union.
Nakatakdang sundan pa ang pagtatanim nito ng 1,200 sa bayan naman ng Luna.
Target ng Pamahalaang Panlalawigan na maprotektahan ang coastal areas sa banta ng mga kalamidad at panatilihing buhay ang environmental activity ng pagtatanim ng bakawan.
Katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno at marine conservation organization sa lalawigan, hinihikayat ng tanggapan ang mga residente sa pakikiisa sa mga aktibidad sa pangangalaga sa kalikasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments