5,000 benepisyaryo sa Parañaque City, nakatanggap ng tulong pinansyal

Nakatanggap ang 5,000 benepisyaryo ng Parañaque City ng tulong pinansyal mula sa Kadiwa ng Pangulo Program sa Parañaque Sports Complex kahapon.

Ayon kay Mayor Eric L. Olivarez, katuwang ng pamahalaang lungsod ng Parañaque ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamahagi ng ayudang mula sa programa ng pangulo.

Mula sa 5,000 benepisyaryo, 2,268 dito ay mula sa unang distrito habang 2,732 naman ay mula sa ikalawang distrito, at ang bawat isa ay nakatanggap ng nagkakahalagang P2,000.


Kasabay nito ay binuksan din ang Kadiwa mobile store sa Parañaque City Sports Complex kung saan tampok ang iba’t ibang produkto gaya ng gulay at prutas.

Facebook Comments