5,000 cap sa deployment ng healthcare workers, nais i-review ng POEA

Maaaring sumailalim sa review at assessment ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang 5,000 cap sa deployment ng healthcare workers.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni POEA Administrator Bernard Olalia, i-a-assess ang polisiya at pwedeng i-review ang implementasyon nito sa susunod na taon.

Ang 5,000 cap sa deployment ng healthcare workers ay ipapatupad simula sa January 1, 2021 at maaari itong i-adjust batay sa kasalukuyang pangangailangan ng healthcare system sa bansa.


Sinabi ni Olalia, aalamin sa assessment kung maaaring dagdagan ang cap at irerekomenda nila ang findings sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Kasabay nito, dumarami ang mga bansa na nagbubukas at tumatanggap na ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ang traditional labor markets tulad ng Saudi Arabia, Bahrain, UAE, Qatar, United Kingdom at Germany ay nagbukas na para sa overseas employment, partikular ang mga healthcare workers gaya ng nurse at factory workers.

Facebook Comments