5,000 daily COVID-19 cases sa bansa, posibleng maitala sa katapusan ng Pebrero – OCTA

Posibleng bumaba sa 5,000 daily COVID-19 cases ang maitala sa bansa bago matapos ang buwan ng Pebrero ayon sa OCTA Research Group.

Paliwanag ng OCTA, humupa na sa halos buong Luzon ang naranasang pagsipa ng              COVID-19 cases noong Enero.

Nagsisimula na rin aniya ang pagbaba ng kaso sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.


Kahapon, nakapagtala na lamang ng 9,493 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon base sa datos na inilabas ng Department of Health.

Facebook Comments