Ipinaliwanag ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kung bakit mayroong 5,000 cap sa deployment ng healthcare workers.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, inilagay ang cap dahil sa COVID-19 pandemic.
Kapag pinayagan ang lahat ng healthcare workers na umalis, magkakaroon naman ng problema sa supply ng healthcare workers sa bansa.
Hinihintay nila ang kopya ng official resolution mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagpapatupad nito.
Sa ngayon, sinimulan na nila ang pagpoproseso ng mga papel ng mga healthcare workers na nakatakda na para sa deployment.
Facebook Comments