Nilinaw ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na ang returning healthcare workers na may kasalukuyang kontrata ang hindi kasama ng 5,000 cap sa deployment ng health workers abroad.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, sakop lamang ng deployment cap ang mga bagong manggagawa.
Magkakaroon ng 5,000 cap kada taon at masisimula ito ng January 1, 2021 at sakop ang lahat ng 14 healthcare workers na nakalista sa ilalim ng mission critical skills ng POEA Governing Board Resolution No. 9.
Kabilang sa mga ito ay ang medical doctors/physicians, nurses, microbiologists, molecular biologists, medical technologists, clinical analysts, respiratory therapists, pharmacists, laboratory technicians, x-ray/radiologic technicians, nursing assistants/nursing aid, operators of medical equipment, supervisors of health services and personal care at repairmen ng medical-hospital equipment.
Dagdag pa ni Olalia, magkakaroon ang POEA ng regular assessment kung kailangan ng additional deployment kapag lumagpas sa 5,000.
Pinag-aaralan na rin na bawiin ang deployment ban sa 11 iba pang skills sa ilalim ng mission critical skills.
Patuloy ang POEA sa pagpoproseso ng health workers gaya ng nurses, nursing aides, at nursing assistants na nais magtrabaho sa ibang bansa.