Nag-iwan ng pinsala ang Bagyong Bising na nagkakahalaga ng ₱168.08 million sa halos 5,000 ektaryang pananim sa Bicol Region at Eastern Visayas.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), kabilang sa mga naapektuhang taniman ay mais, palay, at iba pang gulay at prutas.
Apektado rin ang livestock, fisheries produce at facilities, at agri-infrastructure.
Nasa higit 6,200 magsasaka at mangingisda mula sa mga nabanggit na rehiyon ang naapektuhan.
Ang total production loss ay umabot sa 9,811 metric tons.
Facebook Comments