5,000 emergency employment, alok ng DOLE sa bawat probinsya sa Bicol Region

Naglaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng 5,000 slots para sa emergency employment sa bawat probinsya sa Bicol Region, na isa sa mga matinding nasalanta ng Bagyong Rolly.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mag-aalok sila ng emergency jobs sa Catanduanes, Albay, Camarines Sur, Masbate, Camarines Norte at Sorsogon.

Aabot sa 180 hanggang P200 million ang budget para pondohan ang emergency employment program sa rehiyon.


Ang pondo ay huhugutin mula sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Dagdag pa ni Bello, may inilaan din silang pondo para sa emergency employment sa CALABARZON at MIMAROPA na naapektuhan din ng bagyo.

Ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ay ang emergency employment program ng DOLE na layong maibsan ang epekto ng kalamidad, sakuna at epidemya sa mga manggagawa sa informal economy.

Facebook Comments