5,000 hanggang 6,000 kaso kada araw, posible na sa Disyembre ayon sa OCTA

Posible na sa pagsapit ng Disyembre makita ang pagbaba sa 5,000 hangang 6,000 maitatalang kaso ng COVID-19 kada araw.

Ito ang nakikita ng OCTA Research Group kasabay ng patuloy na pagbaba ng bilang ng kaso sa bansa.

Ayon kay OCTA research fellow Guido David, nakikita nilang patapos na ang surge sa NCR, Calabarzon, Central Luzon, Cebu, at iba pang lugar.


Habang pagsapit din ng Disyembre ay maaari nang ibaba sa alert level 1 or 2 ang Metro Manila na kasalukuyang nasa Alert level 4.

Nagbabala naman si David sa posibleng surge ng Delta variant sa ibang mga probinsiya sa bansa.

Facebook Comments