5000 health workers at iba pang frontliners, naserbisyuhan ng libreng sakay ng PNP

Aabot sa 5,000 mga health workers at iba pang frontliners ang natulungan ng Philippine National Police (PNP) ngayong umiiral ang Enhance Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, nagsimula ang libreng sakay program ng PNP nitong March 19 para tulungan makapunta sa kanilang mga trabaho ang health workers at iba pang frontliners na walang sasakyan.

Aniya, magtatagal ang libreng sakay program ng PNP hanggang hindi pa inaalis ang umiiral na community quarantine.


Ang ruta ng libreng sakay ay ang unang sasakyan Camp Crame hanggang Novaliches Bayan at Vice versa. Ang pangalawang sasakyan ay Camp Crame hanggang Antipolo via Marcos Highway vice versa; at pangatlong sasakyan ay mula Camp Crame hanggang Bacoor Cavite via EDSA at Parañaque Service Road vice versa.

Ruta naman ng pang-apat na sasakyan ay Camp Crame hanggang Valenzuela via EDSA and vice versa.

Mahigpit namang ipinatutupad sa loob ng sasakyan ang social distancing.

Facebook Comments