5,000 Isabeleños, Nabenepisyuhan sa “Sagip Mata, Sagip Buhay” ng Pamahalaang Panlalawigan

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa mahigit 5,000 Isabelino na may problema sa mata ang matagumpay na natulungan ng “Sagip Mata, Sagip Buhay” na proyekto ni Governor Rodito Albano III.

Sa naging mensahe ng Gobernador, kanyang sinabi na magpapatuloy pa rin ang kanyang proyekto lalo na sa mga may problema sa mata o paningin na kabilang sa ‘poorest of the poor’ sa Lalawigan.

Ang “Sagip Mata, Sagip Buhay” project ay nag-umpisa noong nagsisilbi pa bilang Congressman ng unang distrito ng Isabela ang kasalukuyang Gobernador.


Katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa nasabing proyekto ang Southern Isabela Medical Center (SIMC) sa Santiago City na kung saan ang mga benepisyaryo ay libreng susuriin o ooperahan ng Ophthalmologist, at sila din ay libreng mabibigyan ng libreng salamin sa mata.

Bukod dito, bahagi rin ng inisyatiba ng Gobernador ang “Hatid-Sundo” para sa mga benepisyaryong walang access ng masasakyan lalo na sa mga nakakatanda.

Ayon pa sa Gobernador, maaaring kumontak sa numerong 0927-9937192 o magpadala ng mensahe sa kanyang Facebook account na Rodito Albano III ang sinumang may karamdaman sa mata at nais makatanggap ng mga nasabing serbisyo.

Facebook Comments