5,000 kabataan, babakunahan sa Las Piñas City

Inihayag ng Las Piñas City government na aabot sa 5,000 mga kabataan ang nakatakdang mabakunahan sa pagsisimula ng vaccination rollout para sa general pediatric population o may mga edad na 12 hanggang 17 anyos sa Las Piñas City ngayong araw.

Ayon kay Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar, nakahanda na ang 7 vaccination sites na magsasagawa ng pagbabakuna sa kabataang may edad 12 hanggang 17 anyos kabilang na rito ang may comorbidities o may mga karamdaman.

Hinimok din ni Aguilar ang mga kabataan at magulang na tanggapin at alok ng Local Government Unit (LGU) na libreng bakuna upang makaiwas na mahawaan ng nakamamatay na virus.


Samantala, batay sa record ng Las Piñas Public Information Office umabot na sa 23,000 general pediatric population na ang nagpaparehistro para sa libreng bakuna ng pamahalaan.

Facebook Comments