5,000 nurse deployment cap sa abroad, pinadadagdagan ng POEA

Hihilingin ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa Inter-Agency Task Force (IATF) na dagdagan ang kasalukuyang 5,000 deployment cap ng mga nurse sa ibang bansa.

Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, habang maaga, mainam nang handa ang bansa oras na maabot na ang cap lalo’t marami ang nangangailangan ng Pinoy nurse sa abroad.

Batay kasi sa assessment ng ahensya, mahigit 3,000 nurse na ang naka-employ sa ibang bansa sa unang limang buwan pa lamang ng 2021.


Pero pagtitiyak ni Olalia, bibigyan ng higit na atensyon ng POEA ang pangangailangan ng Pilipinas sa mga healthcare workers bago ito tumugon sa pangangailangan ng ibang bansa.

Facebook Comments