5,000 Pesos na minimum wage ng mga kasambahay sa Metro Manila, matatanggap na sa Enero

Matatanggap na simula sa Enero ang dagdag na minimum wage ng mga kasambahay sa Metro Manila.

Ito’y kasunod ng kautusan mula sa Dept. of Labor and Employment (DOLE).

Sa ilalim ng Wage Hike Order, ayon kay DOLE-NCR Regional Director Sarah Buena Mirasol, itataas s


A 5,000 Pesos ang minimum wage mula sa dating 3,500 pesos.

Magiging epektibo na ito sa January 2, 2020 o 15 araw matapos itong mailathala.

Maliban dito, makakatanggap na rin ang mga kasambahay ng mandatory benefits gaya ng SSS, PhilHealth at Pag-Ibig Fund.

Facebook Comments