5,000 PUNO, ITINANIM SA REFORESTATION DRIVE SA SUAL

Pagtatanim at pangagalaga sa kalikasan ang isa sa mga dapat pagtuunan ng pansin upang hindi maubusan ng aakyating puno ang mga susunod na henerasyon.

Kaya naman kasabay ng pagdiriwang ng Philippine Arbor Day ngayong taon, sama-samang nagsagawa ng Reforestation Drive ang iba’t-ibang grupo at ahensya ng gobyerno sa Brgy. Macaycayawan Sual, Pangasinan.

Umabot sa 5,000 seedlings ng agoho, acacia manguim, batino, ar Narra ang itinanim sa bulubunduking bahagi ng barangay.

Bukod dito, kabilang sa environmental activities ang coastal clean-up drives sa mga komunidad na maaaring lahukan ng mga volunteers upang maging tagapagtaguyod sa pangangalaga sa kalikasan.

Ang Arbor Day ay naisabatas upang ipagdiwang bilang paalala sa pagtatanim ng mga puno at iba pang halaman sa buong bansa tuwing Hunyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments