5,000 puno sa bayan ng Brooke’s Point sa Palawan, pinutol ng isang large-scale mining company

Palawan, Philippines – Pinutol ng isang large-scale mining company sa Palawan ang 15,000 puno sa bayan ng Brooke’s Point.

Ito’y sa kabila ng kanselasyon sa kanilang Environmental Clearance Certificate at kawalan ng permit mula sa lokal na pamahalaan.

Inakusahan ni Brooke’s Point Mayor Jean Feliciano ang Ipilan Nickel Corp. (INC) ng pag-putol sa mga matatandang puno sa sampung ektarya ng kanilang gubat.


Isa ang INC sa mga kumpanyang ipinasara noon ni dating DENR Sec. Gina Lopez kung saan wala rin itong business at mayor’s permit.

Dahil dito, nais nilang ipakansela sa Palawan Council for Sustainable Development ang strategic environmental plan permit ng INC at magsasampa rin ang lokal na pamahalaan ng kasong illegal logging laban sa kumpanya.
DZXL558

Facebook Comments