5000 Rims ng Smuggled Cigarette nasabat sa Parang , Maguindanao

271

Kasalukuyang nasa custody ng Parang Municipal Police Station ang 3 indibidwal matapos makumpiskahan ng hinihinalang smuggle na sigarilyo matapos maharang sa Brgy. Sarmiento Parang Maguindanao pasado alas 4 kahapon.

Sa report mula PNP Bangsamoro Autonomous Region, sakay ng Isuzu Elf ang mga naaresto na sina Nas Amilol,43, Namie Eman, 47 at Misuari Udtog 43 na kapwa mga residente ng Brgy. Katuli Sultan Kudarat Maguindanao .


Lulan ng Elf ang nasa 50 na karton na naglalaman ng nasa 5000 rims na sigarilyong may brand na Moons at Far Star na tinatayang nagkahahalaga ng P 400,000.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA # 9211 o Tobacco Violation Act of 2003 ang mga naaresto.

Ang pagkakahuli sa tatlo katao ay patunay lamang aniya na hindi papahintulutan sa AOR ng PNP BAR ang mga nauugnay sa illegal na gawain kabilang na ang pagbibenta ng mga kontrabando ayon pakay PRO BAR Director Marni Marcos Jr.

Parang MPS Pics




Facebook Comments