5,000 units Educational Tablet, Naibigay na sa SDO Isabela

81

Cauayan City, Isabela-Ipinasakamay ng Provincial Government ng Isabela ang nasa 5,000 units educational tablets sa Division of Isabela na nakatakdang ipamahagi naman sa mga piling mag-aaral.

Pinangunahan mismo ang turn-over sa mga kagamitan nina Governor Rodolfo T. Albano III at Vice-Governor Faustino G. Dy III.

Ang nasabing mga kagamitan ay suporta ng Pamahalaang Panlalawigan na bahagi ng Basic Education Learning Continuity Plan (BELCP) ng Department of Education kung saan nauna na rin na pagkalooban ang SDO Isabela ng ilang magagamit para sa pamamahagi ng module sa mga mag-aaral sa ilalim ng new normal.


Nagpasalamat naman si OIC-Schools Division Superintendent Madelyn L. Macalling sa Provincial Government, mga kinatawan ng Provincial School Board (PSB) sa patuloy na pagbibigay tulong upang masiguro ang pagbibigay ng kalidad na edukasyon.

Facebook Comments