50,000 contact tracers, makatutulong sa COVID-19 response efforts – DILG

Inaasahang iha-hire sa mga susunod na araw ang nasa 50,000 contact tracers bilang dagdag pwersa sa kasalukuyang 238,000 contact tracers kasabay ng patuloy na paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, karamihan sa 238,000 contact tracers ay mga volunteers at augmentation personnel mula sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Dagdag pa ni Año, idine-deploy sila sa mga lugar kung saan sila nagboboluntaryo.


Ang 50,000 additional contact tracers ay itatalaga sa high risk areas kung saan 20,000 ang itatalaga sa Luzon, at tig-15,000 sa Visayas at Mindanao.

Facebook Comments