Planong mag-hire ng pamahalaan ng 50,000 COVID-19 contact tracers simula sa susunod na buwan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, nakausap nya hinggil dito si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año dahil ang DILG ang siyang nag-iimplement ng contact tracing.
Sa darating na buwan ng Hulyo ay kukuha ng 50,000 contact tracers ang gobyerno para sa mas pinalawak na testing sa bansa.
Sinabi ni Roque na ang mga kukuhaning contact tracers ang siyang hahanap sa may close contact sa mga nagpositibo sa COVID-19.
Sa ngayon, mayroong 34,000 contact tracers ang Department of Health (DOH) kung saan kulang pa ito ng tinatayang 94,000 upang makamit ang ideal ratio na one contact tracer kada 800 katao.
Facebook Comments